Minsan, pag sunod-sunod ang gawain, ang bigat sa feeling. Overwhelmed sa work, ang daming lakad sa labas, may family gatherings pa, church activities, and other commitments. Parang lahat hinihila energy mo. At the end of the day, wala ka nang gana, wala ka nang energy para sa sarili mo.

At kapag sobrang pagod, minsan napapaisip ka rin: “Ang liit-liit ko. Wala ba talaga akong halaga?” Nakakasenti, kasi parang naiipit ka sa lahat ng bagay, pero ikaw mismo hindi mo na maramdaman yung strength na meron ka dati.

Pero habang nagscroll ako, nakita ko ulit yung throwback photo ko nung namundok ako. Doon sa picture na iyon, suot ko yung shirt na may nakasulat na Ancheta: surname ko. At yung number na 28, favorite number ko. Simple lang pero bigla akong napangiti. Kasi narealize ko, kahit sa mga pagod at pagdududa ngayon, hindi dapat makalimutan: I’m Jasmine and I’m enough.

Kasi naalala ko, hindi madali ang bundok. Ang training pa lang, nakakapagod na. Every step paakyat, ramdam mo yung hingal, yung sakit ng katawan, yung tanong na “Kaya ko pa ba?” Pero sa dulo, andon yung ganda ng tanawin, yung fulfillment na nakarating ka sa tuktok. You conquered not only that mountain but also yourself.

At doon ko narealize: kung nakayanan ko yung bundok, kaya ko rin itong mga araw na challenging. Yung throwback na photo na yun hindi lang picture. Paalala siya. Paalala na dati, kinaya ko. At ngayon, kaya ko pa rin.

Hindi ito tungkol sa stars o destiny. Ang bundok mismo ang nagpatunay na kahit gaano kahirap, kaya kong umabot sa tuktok. Kaya kahit sa mga araw na drained ako, alam kong hindi nawawala ang worth ko.

So kapag napapagod ka, huwag mong isipin na maliit ka o wala kang halaga. Baka kailangan mo lang maalala: hindi ikaw mag-isa ang umakyat noon. Nandiyan ang lakas ni Lord na nagdala sa’yo sa tuktok ng bundok. At kung kinaya mo dati, kakayanin mo ulit ngayon dahil Siya ang kasama mo. ✨


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *