There are days when it feels unfair. Parang kahit anong sipag mo, parang may mas nauna sayo. Parang kahit gaano ka ka-consistent, parang laging kulang. Minsan pa nga, nakakainggit, can’t help yourself but to compare “bakit siya meron, ako wala?”
But when I go back to the Word, I’m reminded: For He is a God of justice who knows no favorite. Kung ano yung para sa ’yo, ibibigay Niya sa tamang oras. Hindi dahil mas special ka kaysa sa iba, kundi dahil Siya ang Panginoon na tapat sa Kanyang mga pangako.
The truth is, His fairness doesn’t always look like what we expect. Kasi minsan, ang “delay” ay protection. Ang “no” ay redirection. At yung “not yet” ay preparation. Kaya kahit mahirap intindihin, there’s a peace in knowing that God sees everything: every effort, every tear, every prayer whispered in secret.
Hindi Niya nakakalimutan.
Hindi Siya natutulog.
Hindi Siya selective.
Kahit gaano kaliit ang pakiramdam mo, you are never overlooked.
And maybe that’s the beauty of His justice: it’s never about comparison, it’s always about compassion. Yung iba may breakthrough ngayon, baka bukas ikaw naman. Yung iniiyak mo ngayon, who knows baka siya rin yung maging testimony mo sa susunod.
So when discouragement whispers na parang wala kang halaga, remember this: God doesn’t play favorites. What He has written for you, no one can erase. What He has prepared for you, no one can steal.
And in that assurance, you can rest. Not because life is fair, but because God is faithful. ✨

Leave a Reply