Lately, I’ve been trying to build better habits. Yung mas mindful, mas intentional, mas aligned sa goals ko. Things like waking up earlier, journaling again, limiting screen time, and choosing peace over pressure.

Pero ang totoo? Ang hirap. Hindi dahil kulang ako sa willpower, but because it’s easier to go back to your old habits: yung mga bagay na minsan naging comfort, kahit alam kong hindi na siya healthy.

And what’s worse? Minsan, I catch myself giving the best parts of me: my time, my energy, my softness to people or places that don’t value it. Na parang, habang sinusubukan kong ayusin ang sarili ko, I also have to face the reality na may mga tao or patterns akong kailangang i-let go.

Because yes, sometimes we give the wrong people the right parts of ourselves. Yung patience na sana para sa sarili mo, ibinibigay mo sa ibang tao. Yung oras na sana para sa growth mo, nauubos sa scroll, sa overthinking, sa people pleasing. Yung energy na sana nilaan mo para sa goals mo, ayun napupunta na naman sa pag-aadjust para sa iba.

Kaya kahit ang hirap, pinili ko pa ring bumalik sa simula. Back to the basic. Yung small habits na dati ko nang sinimulan: habit tracking, journaling, and learning how to say no without guilt.

Hindi siya grand gesture. Pero everyday na pinipili kong bumalik sa sarili ko kahit andyan pa din na kumakaway yung old habits ko. For me, this is a quiet form of self-respect.

This time, I want to give the best parts of me… to me. Sa healing ko. Sa growth ko. Sa mga pangarap ko sa buhay. Because I deserve it.

And so do you. ✨


Leave a Reply