Lately, tinatry kong mag-build ng bagong habits. Yung mga small but meaningful changes na alam kong makakatulong sa akin in the long run like sleeping earlier, limiting social media, moving my body kahit 10 minutes lang per day, at pagiging mindful sa ginagawa ko.

Pero ang hirap pala. Hindi dahil mahirap gawin per se, kundi dahil ang lakas ng hatak old habits ko. Sanay akong magpuyat habang doom scrolling sa phone. Sanay akong i-delay lahat para lang makapanood pa ng isa pang video. Sanay akong magmultitask kahit alam kong nakakadrain na itong gawin.

And every single day, may mini battle na nangyayari. Yung moment na napapa-scroll na ako kahit alam kong hindi ko naman kailangan. Yung pipikit na ako pero biglang “one last reel lang.” Yung gusto ko nang gumalaw pero may boses sa utak ko na nagsasabing “bukas na lang, may bukas pa naman.”

Ang hirap labanan yung sarili mong comfort zone. Parang sinasabi ng katawan ko, “Eh ito na tayo eh. Sanay na tayo dito.” Pero may isa ring parte sa akin na pilit bumubulong, “Pero di ba gusto mo ng improvement?”

At the end of the day, mas pinili ko pa rin yung goals ko. Hindi perfect, hindi madali. Pero may mga araw na nalampasan ko yung temptation. Kahit isa lang sa checklist ang natapos, ginawa ko pa rin. At proud ako doon.

Hindi ko kailangan maging 100% productive. Ang mahalaga kahit pano, nananalo pa rin ako in my own little ways, kahit konti. At habang paulit-ulit kong pinipili yung bagong habits na gusto kong madevelop, unti-unti siyang nagiging parte na ng sistema ko.

Kaya kung ikaw rin, nahihirapan sa change routine, normal yan at sinasabi ko sayo na hindi ka nag-iisa. Remember: ikaw pa rin ang may choice kung alin ang mas papakinggan mo: your old self or yung current self mong yearning for some self-improvement.

Minsan, one small win lang ang kailangan para mapatunayan mong kaya mo pala. ✨


Leave a Reply