Lately, I’ve been feeling exactly that: lost and stuck.
Yung parang ang dami kong gustong baguhin, pero hindi ko alam kung saan magsisimula. Yung gusto mong magbago, pero kasi it requires you additional effort. Pag iisipin mo pa lang parang napapagod ka na. Hingang malalim.
I tried building new habits, inumpisahan ko sa morning exercise ulit dito sa bahay. Easyhan mode ko muna pero sa totoo lang, ang hirap pala kalabanin yung sarili mong comfort zone. Aaah! Yung “default mode” na kahit alam mong hindi na siya aligned sa goals mo, nakakapit pa rin sa ‘yo. Kainis!
Some days, gusto ko na lang humilata, matulog sa sala kahit di naman na ako inaantok. Kasi kahit anong effort ko, parang walang progress. Parang paikot-ikot lang. Parang… wala na namang direction. Di ko nakikita yung output. Am I being impatient? O baka kasi daily yung measurement ko sa progress instead na months or years? Ewan ko nga ba.
And then it hit me: I’m not really stuck. I’m just in a phase of realignment.
Kasi kahit ang hirap, kahit ilang beses akong natempt bumalik sa dati kong ako, pinipili ko pa rin kahit pano yung version ng sarili ko na evident yung improvement.
This week, I went back to something simple: habit tracking. Yung walang pressure, walang aesthetic, walang comparison. Just me, trying again. Checking boxes, one small win at a time.
No big routines.
No 5AM club.
Just quiet effort.
Just choosing myself, even on days I feel the most lost.
Kasi minsan, being stuck doesn’t mean you’re failing. It means you’re pausing, you’re processing, you’re gently beginning again.
And if today, ikaw rin, parang hindi mo alam kung saan ka na papunta:
Breathe.
Reset.
Start with one tiny thing.
Kasi kahit gaano pa tayo kalayo sa “ideal self” natin, every small choice we make towards that destination… matters.

Leave a Reply