July na, first month ng second half ng taon. Parang kailan lang, sobrang motivated ko pa: may planner ako, may goals, may schedule. Pero lately, aminin ko parang nakakawalang gana.
Parang walang direction. I wake up, scroll sa phone, tapos ayun na. Sunod-sunod na yung mga araw na parang walang nangyayaring significant. I’m not sad, pero hindi rin naman ako masaya. Sakto lang. Sumasabay lang sa agos, go with the flow, ika nga. Pero kung minsan, parang hindi ko na alam saan nga ba papunta yung flow na ‘to.
Andaming plano pero walang natatapos. Andaming content na nakikita online: productivity hacks, morning routines, aesthetic planners, healing journey pero imbes na ma-inspire, nadidistract ako. Ang dali-dali kasing ma-drown sa social media. Scroll lang ako nang scroll. Nilalamon na ko ng sistema.
Napagod na rin siguro ako sa kakatry ng bago. So this time, binalikan ko yung luma. Simple lang. Walang aesthetic, walang pressure. Binalikan ko yung dati kong habit tracker. Yes, as in yung plain na table sa notebook ko kung saan nilalagay ko kung nagawa ko ba yung small daily habits ko.
It felt grounding. Parang may anchor akong binabalikan everyday. Walang judgment kung di ko man makumpleto lahat ng boxes. Basta may effort. May awareness. May little wins.
Ang fulfilling rin palang magsimula uli. Hindi ko kailangang hintayin ang Monday, ang birthday, o January 1 ng susunod na taon. Today is enough. July 1 is a reset button. At hindi ko kailangang planuhin agad ang buong taon. For now, one day at a time.
Kung ikaw din parang naligaw lately, baka kailangan mo lang din bumalik sa simple. Pause, reflect, and gently begin again.
Here’s to the second half of the year. Let’s flow, but this time, with more intention. ✨

Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.