A Flower for a Random Stranger

What a funny way to get back on my blogging habit by starting it off with a story about a random stranger I met online.

So ito na nga.. One midnight I realized I haven’t talk on a really personal level to someone for a while now. 

The last time I opened up to total strangers when I went on a solo trip in Sagada way back November, 2017.

I saw this random guy via the yellow app and chatted him because he doesn’t like okra daw 🤢 samedt dude! Samedt!

Sa totoo lang, gusto ko lang ng ibang taong kausap o kabrainstorm maliban sa nanay ko, sa officemates at sa pusa ko. Yung mga friends naman kasi di talaga nagkakakitaan lalo na pag may summer outing, see you next year na lang ulit.

Mas trip ko yung gangster kausap at hindi pabebe, makulit tas biglang magseseryoso ng topic, korni pero hindi sarcastic, matalino pero hindi pinagmumukhang b*b* yung kausap.

 

While we were having fun chatting, it’s been five days di man lang umabot ng isang linggo, I needed to cut everything off. Ang goal ko kasi ay magsocial media detox. 

Sobrang puno yung utak ko ngayon ng work-related stuff to the point that I needed to have a one-month break. This is the recommendation after my first ever session of psychotheraphy with my doctor. 

Pwede ko naman ituloy mag socmed detox in exception to this but to be fair, I decided to respect my limitation so I can bring back my healthy boundary between personal and work.

So anong kinalaman ng socmed dito? Wala. Gusto ko lang talaga mafree up yung head space ko. Alam ko indirectly may effect yan kaya basta, ganyan gagawin ko.

I told him may ibibigay ako sa kanya. Sa dinami rami ng bulaklak sa simbahan, sa nag-iisang yan lang ako nakatitig. After mass, nagpaalam ako sa Lector kung pwede ko pitasin, okay daw. Binigay ko sa kanya pero digital copy muna. 😅

This is my own little way to say bye and thanks to him for making me laugh. Oo umeeffort si kyah para patawanin ako. To the point when I read one of his jokes nasa kalagitnaan ako ng kalsada tumatawa mag-isa. 

It’s fun while it lasted. After a month, he told me he’s dating someone. No strings attached naman, I wish him well na lang for his future endeavors. 

At ayun na nga, wala pa ring aabangang kasunod na kwento. 

 


I’ve created a simple guideline to help you improve your creativity. Sign up here and I’ll give you your FREE E-Book about 7 Quick Ways to Create Art.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *